Bakit ganito ang mga amang katulad niya?
Bakit ganito ang amang katulad niya?
na parang walang pagmamahal sa kanyang pamilya
na hindi maunawaan ang galit na nasa puso niya
ni hindi ko manlang maintindihan kung anong klaseng pag-iisip ang meron siya
Bakit ganito ang amang katulad niya?
na parang ikinakahiya ang pagiging ama
sa kanyang pamilya na uhaw sa kanyang pangangalaga
dahil kahit papaano iba ang ama kaysa sa ina.
Pero bakit ganito ang aking ama
parang ang dumi ng pag-iisip nya
pati ang pagsasama nila aking ina
binibigyan nya ng malisya.
Hindi ko kayo anak!!! hindi ko kayo ginawa!!!
iyan ang lagi nyang ibinubuga ng kanyang bunganga
sa kanyang mga anak na nanggaling sa kanya
na nadadamay sa init ng ulo nya...
Sinong anak, ang hindi magsisisina na siya ang kanyang ama
na parang nilalait ang buong pamilya
ni wala man lang syang magawa
para umunladang kanyang pamilya.
0 comments:
Post a Comment